SC spokesman, nagngitngit sa idinulot na trapik ng INC event

Source Link

te

Naglitanya sa microblogging site na Twitter ang tagapagsalita ng Korte Suprema ng kanyang pagkabuwisit sa kinasadlakang trapik patungo sa trabaho ngayong umaga dahil sa event ng Iglesia ni Cristo sa Maynila.

Reklamo ni SC spokesman Theodore Te, ang halos 20-minuto lamang niyang biyahe ay nauwi sa halos tatlong oras dahil sa palpak na inilatag na traffic system.

Tweet ni Te (@TedTe): “3 hours to reach work. And to think I took the advisories seriously, left early and even planned my route.”

Pasado alas-7:00 ng umaga nang ilabas nito ang kanyang pagkadismaya, tweet nito, “Its been an hour. I should already be at the office. Instead I’m at a parking lot-involuntarily.”

Sa kanyang patuloy na pagkaipit sa walang galawang trapiko, hindi na nakapagtimpi ang opisyal at binakbakan ang mga nagpatupad ng re-routing partikular ang Metro Manila Development Authority (MMDA).

@TedTe: “It makes no sense to give a route as an alternate when you allow the sect to also use the same route. E.g., espana to Lacson @mmda”

“Perhaps the chartered buses and jeeps should have been allowed in during off peak hours like 2 AM? And aren’t these jeeps off route? @mmda,” tuloy pa nito.

Hinamon pa nito ang traffic czar ng Maynila, si Manila Vice Mayor Isko Moreno na pumunta mismo sa lugar para makita ang aberyang dulot ng traffic.

Bwelta ni Te: “Someone allowed this to happen, right? The mayor of Manila? The department of the interior? The head of MMDA? So far no one has man’d up.”

Hindi na aniya dapat nagbigay ng alternate route ang MMDA.

Nanghingi pa ito ng paliwanag kina Manila Mayor Erap Estrada, Moreno, MMDA Chair Tolentino at Interior Secretary Mar Roxas.

“The voluble turn mute. I’m still waiting for an explanation from Estrada, Moreno, Roxas, and Tolentino. Pls include a LOGICAL reason.” ani Te.

Nagtanong pa ang abogado sa legalidad ng naturang INC event. “May permit ba to? Isn’t this a public assembly in non freedom parks? See BP 880.”

Payo ni Te: “@MMDA should learn from this ongoing madness. Divert THEM not us to the long and wide routes, don’t allow buses and just fill them in jeeps”

Sa huli, sinuspinde ang pasok sa Korte Suprema maging sa mga korte sa Maynila at Quezon City epektibo ala-1:30 Lunes ng hapon. Photo from  Theodore Te’s Twitter account

One response to “SC spokesman, nagngitngit sa idinulot na trapik ng INC event

  1. Kurawog ⋅

    Wala kang magagagawa, Te. Malakas ang INC sa mga pulitiko eh.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s