Pulis-QC ginulpi ng 10 INC (Pilipino Star Ngayon)

Source Link philstar.com

Bugbog-sarado ang inabot ng isang pulis-Quezon City mula sa sampu katao na umano ay miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa tapat ng kanilang simbahan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.  Si SPO1 Ramon Austria, 49, miyembro ng Central Police District (CPD) Investigation and Intelligence Division at Anti-Carnapping unit ay halos kulay talong sa mga tinamong pasa sa katawan nang magtungo sa himpilan ng pulisya upang i-report ang pangyayari.  Sa salaysay ni Austria, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng simbahan ng INC na matatagpuan sa Guadenville, Quirino highway, Caloocan City habang sakay ng kanyang pulang Laser Ford, may plate no. PPV-675.  Dahil sa umano’y trapik sa nasabing lugar kung kaya’t dahan-dahan lamang ang pagtakbo nito nang bigla na lamang siyang harangin ng security guard ng simbahan ng INC at bigla na lamang sinuntok ang kanyang sasakyan nang walang dahilan.  Kaagad umanong bumaba ang biktima matapos marinig ang malakas na kalabog sa sasakyan subalit laking gulat nito nang biglang mag-warning shot ang isa pang lalaki, tinutukan siya ng baril sabay hila sa kanyang police ID.  Dumating pa ang walong lalaki at kinaladkad umano siya sa loob ng simbahan habang patuloy naman siyang binubugbog ng mga ito. Samantala, nakuha pa nitong makatakbo papalayo at humingi ng tulong sa kanyang mga kabaro na noon ay nagpapatrulya sa nasabing lugar at sila ring nagdala sa kanya sa ospital.  Napag-alaman naman na nawawala ang kalibre .45 service firearm ni Austria at Nokia 8850 na nagkakahalaga ng P24,000 matapos ang nasabing kaguluhan.  Sinabi naman ni Supt. Dionisio Borromeo, hepe ng Station Investigation and Intelligende Division (SIID) na patuloy na silang nagsasagawa ng follow-up operation laban sa mga suspect na maaaring madakip anumang oras dahil na rin sa pahayag ni Austria na makikilala niya ang mga ito sa sandaling makita niya. (Ulat ni Gemma Amargo)

8 responses to “Pulis-QC ginulpi ng 10 INC (Pilipino Star Ngayon)

  1. Ching ⋅

    Oh wala na namang reply from INC members…

  2. elpidio karinyo ⋅

    HAHAHAHA KAWAWANG PULIS. FOR SURE BINALAAN YAN NG MGA OFFICIAL NG PNP N WAG MAGSASAMPA NG KASO KUNG AYAW MADAMAY PAMILYA AT CAREER NYA.🙂 FRATERNITY YAN MALINAW MGA KABABAYAN….

  3. DAVID BECKHAM ⋅

    DIYOS ko PO! violente talaga sila

  4. reyersu ⋅

    subukan nyong i click yung source link sa taas.. para malamam nyo ANG KATOTOHANAN..

  5. G12 ⋅

    may mga insecure pala dito sa INC.masyadong mapanghusga. take the whole story muna before you act.

  6. Marlon Mariano ⋅

    asa pa kayo na maniniwala ang mga bulag na INC members jan.

  7. ann ⋅

    what about sa rapist na mga katoliko at mga corrupt officials they are too many and you can find them them everywhere kita niyo naman sa balita di ba?

  8. ann ⋅

    baka may dahilan kaya nabugbug, marami seguro dahilan, pero ang maging corrupt at rapists anu kaya dahilan noon?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s