Pork barrel at Iglesia(Manalo)naglaban sa Merci impeachment

Source Link : http://abs-cbnnews.com/video/nation/03/22/11/pork-vs-religion-impeachment-battle

Higit pa sa doble ng botong kailangan ang nakalap sa Kamara ng mga puwersang gustong patalsikin si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Pero bago ang tagumpay, matindi ang gapangan.

May pananakot sa text na zero ang makukuha ng mga kongresistang kokontra o mag-a-abstain sa impeachment. Pagkaintindi ng mga kongresista, pork barrel ang tinutukoy na hindi matatanggap.

Na-trace ang text kay Cavite Congressman Joseph Emilio Abaya na ayaw mag-komento sa isyu.

Dahil chairman ng House appropriations committee si Abaya, kumbinsido ang maraming may laman ang pananakot.

Kasabay nito, nabunyag naman ang pangangampanya raw ng mga opisyal ng Iglesia ni Cristo para kay Gutierrez.

Kilala ang INC na nag-e-endorso ng mga kandidato na malaking bagay sa local elections.

Sa kasagsagan ng debate kahapon sa Kamara, natanggap ng ABS-CBN ang text na ito mula sa isang source.

Nasa kuwarto raw ni Nueva Ecija Congressman Rodolfo Antonino ang ilang taga-INC. Kinakausap raw ang mga kongresista para huwag i-impeach si Gutierrez.

Pinuntahan ng ABS-CBN ang opisina ni Antonino na kaalyado ng dating administrasyon at nakitang labas-masok ang ilang kongresista roon.

Si Antonino naman na kontra-impeachment ay tumangging magpa-interview, habang ang isa pang kontra-impeachment na kongresista ay ipinagtanggol ang INC.

“It was unfair for some people to report that allegedly some group or some people called each and every member of Congress,” sabi ni Alagad party-list Representative Rodante Marcoleta.

Sa bandang huli, masasabing dinaig ng pork barrel ang impluwensiya ng INC. Pero ang tunay na nagparami sa botong pro-impeachment ay ang ugaling walang gustong kumampi sa panig ng talunan.

Lynda Jumilla, Patrol ng Pilipino

6 responses to “Pork barrel at Iglesia(Manalo)naglaban sa Merci impeachment

  1. Pingback: Pork barrel at Iglesia(Manalo)naglaban sa Merci impeachment « The truth about iglesia ni cristo – manalo’s sect

  2. kagaguhang report naman yan..sa simulat sapul hindi sumasali ang INC sa anumang kaguluhan mas lalu na yung mga bagay na makasisira sa reputasyon ng INC. Hindi ganun ka hangal ang mga opisyales ng inc mas lalu na kung pag uusapan ay kapakanan ng INC lakas man @ kapangyarihan ang ugnay dito ALAM LAHAT ng member ng INC yan ! dahil yan ang naging doktrina sa amin bago kami naanib @ sumampalataya ! alam ng INC ang mga bagay na makasisira sa relasyun namin sa dyos ayaw ng INC sa kaguluhan @magiging magulo! TALINO @ SAMPALATAYANG MAY GAWA ang ARMAS ng IGLESIA ni CRISTO sa mga TAONG may masamang kaisipan TULAD MO ! ang panlaban ng INC sa sinumang KUMAKAAWAY NITO !

    • naku raimond iba ginagawa ng mga pinuno nio sa talikuran..at iba rin ang sinasabi nila sa inyo..pagka kau ang kaharap..di yan kwento may katotohanan yan brad..imulat ang iyong mata sa katotohanan na inyong samahan..kalakaran na ang ganyan kaya nga kau(mga miemobro) ang kinakalakal ng puno nio para sa impluwensiyang pampulitika at upang kahit sa gobierno makapanaig siya(MANALO mo)masakit man pero ang totoo mahirap tanggapin pero yun un

  3. peter kalunsod ⋅

    paano mo nalaman ang kalakaran sa loob eh outsider ka elmar? anung katotohanan? sa text messge lang katotohanan na! wala namang ibidensiya.. Puro paninira ang site na to Masarap kasing pagusapan sa social media ang lahat ng klase ng paninira.

  4. joms ⋅

    Ang mga hindi nagbabagong buhay, inaalis sa INC, kya siguro naalis ka Han seul..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s