Posted on

Tumpok-tumpok na ebak iniwan ng INC sa Luneta

source link : http://www.remate.ph/2012/02/tumpok-tumpok-na-ebak-iniwan-ng-inc-sa-luneta

by Verlin RuizFeb 29, 2012 5:19pm HKT

TINATAYANG aabot sa mahigit 13 tonelada ng basura kasama na ang tumpok-tumpok na dumi ng tao ang naipon at nahakot mula sa Quirino Grandstand, sa Luneta na pinagdausan ng Grand Evangelical Mission (GEM) ng Iglesia ni Cristo (INC) at mga kalapit lugar nito.

Ito ang inihayag ng ilang street sweepers sa area, na nagsabi rin na mahigit 100 magwawalis ang itinalaga ni public services (DPS) chief ret. Col. Carlos Baltazar na nagtrabaho ng dalawang shifts para lamang mapabilis ang paglilinis sa tambak na basura.

Bukod dito ay 20 truck ng basura ang agad ding idinestino sa lugar na pinagdausan ng bible exposition ng INC.

Nabatid pa sa ilang street sweepers, base sa kanilang regular garbage collection sa nasabing area ay umaabot lamang sila sa isang tonelada sa isang araw subalit dahil sa idinaos na pagtitipon ng mga kapatid na Iglesia ay umaabot sa 13 tons ng basura ang kanilang nahakot.

Nabatid pa na bukod sa mga regular sweeper ng Manila City Hall ay minobilisa rin ni Baltazar ang sweepers mula sa Leonel Waste Management, na may kontrata sa paghahakot ng basura sa Maynila upang mapadali ang trabaho.

Nabatid na pinasimulan ni Baltazar ang paglilinis badang 11 ng gabi kagabi matapos makauwi na ang INC members at natapos bandang alas 11 ng umaga kanina.

Umangal din ang street sweepers dahil sa dami ng tae ng tao ang kanilang nilinis na kasama sa tambak na basura, partikular na sa mga pinagparadahan ng mga bus.

About Michael Sandoval

Homosexual

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s